pagsakay mo ng elevator, may isang LCD display sa right corner indicating the floor you’re stopping on. so pag pipindot ako ng 7 tapos may pipindot ng 5 ang unang numero na lalabas ay 5 at paglipas sa papag na un ay dederecho na sa 7. yun rin ang numerong nakadisplay sa lcd.
kanina, may tinanong si pats sakin pagsakay namin ng service elevator.
“diane, anong gagawin mo kung 13 ung magdisplay dun?” (points to lcd)
“ha? eh wala namang 13th floor ah. loko to.”
“yun nga. eh what if nga magdisplay yan ng 13 at biglang bumukas ang pinto? diba ang 14th floor, 13th talaga?”
taena patrick. gusto mo bang mamatay ng maaga? ok lang sakin kung ikaw ung magmulto sa floor namin.
overactive na nga imagination ko, kelangan mo pang dagdagan.
alam mo bang nakakabaliw sumakay ng elevator ng magisa kapag alas-once na ng gabi? at eto pa ha, maghihintay ka ng matagal kasi isa na lang ung gumaganang elevator car nun. sa matagal tagal mong paghintay, naririnig mo pang dumadaan ung mga ibang elevator cars. may whizzing noises. pagsakay mo naman neto, dim ung lighting tapos mirrored ang lahat ng sides. sa takot mo, finofocus mo lang ung view mo sa harap pero hinde mo pa ren sure kung ano ung nakita mong parang gumalaw sa likod mo dun sa silver reflection. *shiver*
tapos sabi pa nila, may multo daw sa banyo ng babae. kainis pa ung mga manong, pinapatay ung ilaw malapit sa banyo kapag gabi. feeling ko tuloy ineenvelope ako ng darkness. minsan, nagpapatugtog ako ng mp3 sa celphone para lang may tunog. or minsan kakanta lang ako, or kakausapin ko sarili ko. siguro magwawala na talaga ako kapag one day may sumagot sa akin… na hinde ko boses.
nakakagulat ren kasi infrared activated ung bathroom stalls namin. minsan minsan, bigla na lang nagfuflush ung unoccupied stalls. ok lang un sa umaga e, pero kapag gabi na at madilim at tahimik… hay nako wag ka na. un ung mga oras na ayaw ko tumingin sa lower or upper edges ng stall dividers, baka na lang may kamay na lumabas eh. may isang beses rin, biglang nalaglag ung tissue roll na nakapatong sa metal shelf dun sa stall katabi nung sakin. natakot nga ako pero wala ako magawa. kelangan ko kasi mag *weshwesh e.
isang beses pa, umuwi ako ng late. halos alas dose na nun. hinihintay ko kasi ung text ng shuttle, pero hinde nagrereply si queenie at ayaw kong maghintay sa baba dahil sobrang humid. pagsakay ko ng elevator, ambilis ng descent neto… tapos biglang nag stop sa 11th floor. nung panahon na yun, hinde pa napress release ng management na HP ung may-ari ng 11th floor. mabagal na bumukas ung elevator door, at madumi at madilim na floor lang ang nakita ko. sa takot, pinindot ko ung close button. habang sumarado eto, biglang may kamay na sumingit! AURGH! todo sigaw naman ako sa takot! un pala, manong construction worker lang siya, naghihintay ng elevator din. shet talaga un. pahiya ako o. pero natakot talaga ako. sorry talaga manong, pero you scared the living daylights out of me.
osha. ayoko na.
*weshwesh - term na nanggaling kay rj at steph para sa number1. mas PC kasi e.
pero kawawa naman si manong. 